No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SPARK Project, inilunsad sa QC

LUNGSOD QUEZON (PIA) --Upang mas maisulong ang active transport sa lungsod, nakipagtulungan ang Quezon City Government sa ICLEI Local Government for Sustainability at Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) sa paglulunsad ng Sparking Active Mobility Actions for Climate Friendly Cities o Spark Project.

Sa loob ng dalawa't kalahating taon, layon ng SPARK Project na makapagtayo ng ligtas at protektadong transport system, makatulong sa emission reduction initiatives, at maisulong ang climate-friendly at active mobility.

Lumagda sa Memorandum of Understanding ng programa sina Mayor Joy Belmonte, ICLEI Southeast Asia Secretariat Regional Director Victorino Aquitania, ICSC Executive Director Angelo Kairos Dela Cruz, at Pasig City Administrator Atty. Jeronimo Manzanero.

Quezon City at Pasig City ang napili ng ICLEI na maging bahagi ng proyekto.

Sa QC, target isagawa ang SPARK project sa Maginhawa Street upang mas mai-promote ang paglalakad at pagbibisikleta sa kinikilalang Art and Food Hub ng lungsod.

Ang SPARK project ay naisakatuparan din sa tulong ng International Climate Initiative (IKI) of the German Federal Ministry for Economic Affairs and Climate Action (BMWK) at ng Federal Ministry for the Environment, Nature Conservation and Nuclear Safety (BMUV). (qc paisd/pia-ncr)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch