No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Traffic advisory kaugnay ng pagdaraos ng Palarong Pambansa, inilabas ng Marikina


LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Bilang bahagi ng pagdaraos ng ika-63 Palarong Pambansa, nagbigay abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina, isasagawa ang Parade and Opening Ceremonies sa lungsod darating na Lunes, July 31, 2023.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na kung maaari ay iwasan ang mga sumusunod na kalsada na madadaanan ng ruta ng parada simula 1:00 ng hapon:

  • Marikina River Park (assembly area)
  • J.P. Rizal Street
  • V. Gomez Street
  • Shoe Avenue
  • Sumulong Highway
  • Marikina Sports Center

Ang mga motorista ay pinapayuhang dumaan sa mga alternatibong ruta:

  • Para sa mga papasok ng Marikina (City Proper) - pansamantalang dumaan po sa Marcos Highway at Gil Fernando Avenue
  • Para sa mga pupunta sa Antipolo, Rizal - pansamantalang dumaan po sa Marcos Highway
  • Para sa mga pupunta sa San Mateo at Montalban, Rizal - pansamantalang dumaan po sa Commonwealth Avenue at Batasan Road, Quezon City

Samantala, ang Bonifacio Avenue ay pansamantalang gagawing one-way (bound for Quezon City) mula 12:00 ng tanghali hanggang 6:00 ng gabi.

Muling matutunghayan ang tagisan ng pinakamagagaling at pinakamalalakas na mga batang atletang Pinoy mula sa bawat rehiyon ng bansa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch