No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

World Day Against Trafficking in Persons 2023, inobserba sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Inorserba sa Palawan ng mga miyembro ng Provincial Inter-Agency Council Against Trafficking-Violence Against Women and their Children-Anti-Child Pornography (PIACAT-VAWC-ACP) at mga stakeholder nito ang World Day Against Trafficking in Persons 2023 sa pamamagitan ng isang forum at Pledge and Renewal of Commitment.

Pinangunahan ng Gob. Victorino Dennnis M. Socrates ang Pledge and Renewal of Commitment ng mga miyembro ng PIACAT-VAWC-ACP at sinundan ito ng paglagda sa wall of commitment kamakailan. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

Ang Pledge and Renewal of Commitment ay pinangunahan mismo ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates bilang Chairman ng konseho.

Sa mensahe ni Socrates, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa upang mas palakasin ang mga ahensya na nakatutok sa pagsugpo ng human trafficking.

"Ipinagdiriwang natin ang World Day Against Trafficking 2023, na ang pangunahing layunin natin sa pagtitipon na ito ay buhayin at paigtingin ang interes at determinasyon na sugpuin ang trafficking in persons na isang malaking salot, isang napakalaking global concern," pahayag ng Gobernador.

Iniulat din sa nasabing forum ni Asst. Provincial Legal Officer Atty. Mary Joy M. Ordaneza-Cascara ang mga nagawa na ng PIACAT-VAWC-ACP sa mga nagdaang taon.


Ibinahagi naman ni Provincial Prosecutor Monica Magbiray-Pe ang salient points ng mga batas na may kaugnayan sa trafficking in persons tulad ng RA 9208, RA 10364 at RA 11862. Tinalakay din ni Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail D. Ablaňa ang Referral Pathways Protocols sa paghawak ng mga kaso na may kaugnayan sa Human Trafficking.

Ang aktibidad sa pag-obserba ng World Day Against Trafficking in Persons 2023 na may temang ‘Reach Every Victim of Trafficking, Leave No One Behind’ ay magkatuwang na isinagawa ng PIACAT-VAWC-ACP at ng Provincial Legal Extension Service Program (PLESP) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch