No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Wala munang mall sales mula Agosto17-Set. 10 dahil sa FIBA

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Hinikayat ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chair Atty. Don Artes ang mga mall operators sa kahabaan ng EDSA at ilang lugar sa Metro Manila na apektado ng 2023 FIBA World Cup na huwag munang magdaos ng sale mula Agosto 17 hanggang Setyembre 10.

Hiningi ni Artes ang kanilang suporta sa isinagawang pagpupulong Huwebes (Agosto 3)para sa maayos na pagdaraos ng pandaigdigang pederasyon ng basketbol na gaganapin a sa bansa.

Ang pagpapaliban sa pagsasagawa ng mall sales ay naglalayong magkaroon nang  maayos na daloy ng trapiko sa EDSA kung saan daraan ang mga delegado at manlalaro ng FIBA papunta sa playing venues, saad ni Chairman Artes.

Pumayag naman ang mga mall operators na very cooperative sa naging panawagan ng ahensiya.

Ayon kay Artes, makatutulong ito upang hindi dumagsa ang tao sa mga mall habang isinasagawa ang FIBA at maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA. (mmda/pia-ncr)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch