No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 60K ladrilyo nabuo sa MMDA brick making facility

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Libo-libong na ang nabuong ladrilyo o ecobricks  mula sa  Brick Making Facility (BMF) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matatagpuan sa Vitas Pumping Station sa Tondo, Maynila.

Ayon sa MMDA, nasa 60,607 ecobricks na ang nagawa hanggang nitong Hunyo at 56,325 sa mga ito ay ipinamahagi sa iba’t ibang proyekto at pasilidad ng ahensya at mga barangay ng Metro Manila.

Umabot din sa 4,737 ang nabuong eco-concrete hollow blucks at 3,573 sa mga ito ay naipamahagi sa mga proyekto at pasilidad ng ahensiya at ng iba’t ibang barangay.

Samantala, 216 eco-concrete barriers naman ang nagawa ng pasilidad at 196 sa mga ito ay ginamit para sa mga proyekto at pasilidad ng MMDA.

Ang BMF ay bahagi ng inisyatiba ng MMDA bilang suporta sa Metro Manila Flood Management Project na may layuning mabawasan ang mga pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga solid waste sa mga daluyang tubig. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch