No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Aleosan, Cotabato may dalawang bagong isolation facility

ALEOSAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Itinayo kamakailan dito sa bayan ang dalawang isolation facility na pinondohan ng Department of Social Welfare and Development XII katuwang ang lokal na pamahalaan sa bayan.

Ang mga pasilidad na kapwa may kumpletong kagamitan ay matatagpuan sa Barangay Dualing at Barangay San Mateo.

Nabatid na ang pagpapatayo ng mga pasilidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS ng nabanggit na ahensya.


Sa Barangay Dualing, ang isolation facility na may tatlong kwarto ay pinondohan ng 1.6 na milyong pisong halaga mula sa DSWD, P100,000 mula sa lokal na pamahalaan at P16,000 naman mula sa barangay local government unit. Sa kabilang banda, sa Barangay San Mateo, abot sa 2.4 milyong pisong halaga ang ibinabang pondo ng DSWD at may dagdag na P23,500 naman mula sa BLGU para sa pasilidad na may siyam na kwarto.

Sa naganap na turn over ceremony, siniguro ni DSWD XII Regional Director Loreto Cabaya Jr. na sa pamamagitan ng KALAHI-CIDSS ay maibibigay sa mga benepisyaryo ang proyektong nararapat sa kanila.

Dagdag pa niya, magpapatuloy ang DSWD sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng mamamayan. (With reports from DSWD XII)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch