No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Egay sa Aparri, patuloy na ipinapamahagi ng LGU

APARRI, Cagayan (PIA) - - Halos dalawang linggo matapos manalasa ang bagyong Egay sa bayan ng Aparri noong ika-26 ng Hulyo, patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng tulong na ibinigay ng iba’t ibang senador at stakeholders.

Nitong Agosto 9 ay agad na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ang hindi bababa sa 500 food packs na mula sa tanggapan ni Senador Bong Go na hinatid ng ahensya ng Puregold Aparri.

Inihatid sa Fuga Island ang tulong na ibinigay ng TV5 at Alagang Kapatid Foundation, Inc. sa ma apektadong residente sa tulong ng Philippine Marine Batallion Landing Team 8 (MBLT-8). (Kuha ng LGU Aparri)

Ang 500 food packs ay ibinigay sa mga residente ng mga barangay ng Maura (Sto. Tomas) at Punta, at sa mga Muslim na naapektuhan sa nasabing bayan.

Samantala, namahagi rin ng sleeping kits at family food packs ang lokal na pamahalaan para sa mag apektadong residente ng Barangay Maura (Sto. Tomas) na nagmula naman sa Tanggapan ni Senador Mark Villar.

Naihatid na rin ng lokal na pamahalaan, sa tulong ng Philippine Marine Batallion Landing Team 8 (MBLT-8), sa mga residente ng Fuga Island ang binigay na tulong ng TV5 at Alagang Kapatid Foundation, Inc.

Nagtulong-tulong ang mga personnel ng MBLT-8 at mga opisyal ng barangay para sa pamamahagi sa 350 food packs, 350 hygiene kits, 10 water filters at 100 uniqlo clothings at McDonalds Toys para sa mga pamilyang apektado sa nasabing islang barangay.

Ipinapaabot naman ng Lokal na Pamahalaan ng Aparri sa pangunguna ni Mayor Bryan Dale G. Chan at iba pang opisyal ng nasabing bayan, ang pasasalamat nito sa mga nagbigay ng tulong para sa mga apektadong Aparriano ng bagyong Egay. (OTB/MDCT/PIA Cagayan)

About the Author

Mark Djeron Tumabao

Regional Editor and Social Media Manager

Region 2

An ordinary writer from Cagayan Province. 

Feedback / Comment

Get in touch