No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Produksyon ng kakaw at kape, pinalalakas sa Arakan, Cotabato

Photo: DAR Cotabato Province

ARAKAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA) -- Pinalalakas pa dito sa bayan ang produksyon ng kakaw at kape sa pamamagitan ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPSP)-Sustainable Livelihood Support ng Department of Agrarian Reform.

Sa pamamagitan ng nabanggit na programa ay napagkalooban kamakailan ng isang yunit ng all weather dryer ang Lanao KuranDelete Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative ng Barangay Lanao Kuran. Ang nasabing pasilidad ay nagkakahalaga ng P450,000.

Ayon kay Evangeline Bueno, provincial agrarian reform program officer II of DAR-Cotabato, sa pamamagitan ng pasilidad ay mapalalakas ang operasyon ng naturang kooperatiba sa kabila ng hamon ng pabago-bagong panahon.

Layon din nito na maisulong ang mas mabisa at matibay na pamamahala sa mga gawain ng kooperatiba.

Photo: DAR Cotabato Province

Maliban sa nasabing pasilidad, nabigyan din ang organisasyon ng 100 sako ng organikong pataba at mga pagsasanay para sa mga miyembro upang mapataas ang kanilang produksyon at kita.

Samantala, nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Brian Cabañas, chairman ng kooperatiba, sa DAR sa mga tulong na kanilang natanggap.

Una nang nabigyan ang Lanao Kuran Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative ng processing equipment at hauling truck, maging ng mga tulong sa pagpapahusay at pagpapaunlad ng kanilang processing center at ng mga kakayahan ng bawat miyembro. (With reports from DAR-Cotabato)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch