No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

SSS, inatasan ang 6 employer sa Camarines Norte na magbigay ng tamang kontribusyon

DAET, Camarines Norte, Agosto 22 (PIA) – Inatasan ng Social Security System (SSS) Daet Branch ang anim na employer sa Camarines Norte na magbigay ng tamang  kontribusyon para sa kanilang mga empleyado. 

Ginawa ito sa ilalim ng Relief Afforded to Challeged Employers (RACE) kung saan pinalawig ng SSS ang programa para sa mga non-compliant employers.

Ayon kay Vice President Elenita S. Samblero ng Luzon Bicol Division ng SSS, isa itong paraan para maipaabot ang kanilang mga programa sa mga  employer. Nais din nilang magkaroon ang mga ito ng kamalayan at tulungan silang linisin ang kanilang mga records sa SSS.

Aniya, ito rin ang oras para punuan ang kanilang mga obligasyon at gamitin ang kanilang programa katulad ng installment program at condonation of penalty.

Ayon kay Vice President Elenita S. Samblero ng Luzon Bicol Division ng SSS, ang RACE ay paraan para maipaabot ang kanilang mga programa at magkaroon ng kamalayan ang mga employer partikular na ang pag-avail ng installment program at condonation of penalty at paigtingin ang koleksiyon ng SSS. (PIA5/ Camarines Norte)

Ayon pa kay Samblero, upang mas paigtingin  ang koleksiyon ng SSS lalo na sa mga employer na nakalimutan ang kanilang obligasyon ay patuoloy pa rin ang kanilang pag papa alala sa mga obligasyon nito. 

Hinihikayat din nito ang  mga employer na nagsara na ng kanilang establisyemento na ayusin ang closure ng kanilang negosyo. Kailangan lamang na  sagutin ang form na dapat nilang tapusin para mai-terminate ang kanilang negosyo dahil tuloy-tuloy pa rin ang computation nito.

Ang RACE ay hindi lang para sa mga employer kundi para rin sa mga miyembro ng SSS na malaman ang kanilang karapatan at mga benepisyong dapat na natatatnggap mula sa kanilang mga employer. 

Hindi na rin kailangan pang magpaliban ang mga miyembro sa kanilang trabaho upang tumungo sa SSS para tingnan kung sila ay binabayaran ng kontribusyon ng kanilang mga employer dahil maaari na nila itong i-verify sa pamamagitan ng SSS online system.

Ang RACE ay isang paraan din ito upang mamonitor ang mga employer na hindi nagbabayad ng kanilang kontribusyon. Hinihikayat din ng SSS ang mga  empleyado na magkaroon ng lakas ng loob o dumulog sa tanggapan ng SSS.

Sa datos ng SSS, 12 employer na sa Camarines Norte ang binisita ngayong taon at 80 empleyado ang kanilang natulungan.

Sa 80 bilang, lima ang nakafull-payment na, apat ang nag-avail ng installment habang dalawa ang nasa prosecutors office. May  isang employer naman ang nasa listahan ng warrant of distraints, levy and garnishment. (PIA5/ Camarines Norte)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch