No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Governor’s residence pinasinayaan, Aklat Kasaysayan ng Palawan inilunsad

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pinasinayaan na ang unang bahagi ng isinaayos na Governor’s Residence na matatagpuan sa Quezon Street sa lungsod noong Agosto 23, 2023.

Ang pagpapasinaya nito ay pinangunahan ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates samantalang si Apostolic Vicar of Puerto Princesa Bishop Socrates Misiona naman ang nagbasbas sa nasabing gusali.

Kasabay nito ay inilunsad din ang Aklat Kasaysayan ng Palawan o Book History of Palawan na iniakda ni Diokno R. Manlavi. Ang muling paglilimbag nito ay may pahintulot ng kanyang mga kaanak upang maipakita sa mga bagong henerasyon ang kasaysayan ng Palawan.

Ang isinaayos na Governor’s Residence ay magiging isang museo din na magtatampok ng iba’t-ibang mayamang kultura, tradisyon at kasaysayan ng lalawigan. Dito rin ilalagak ang kopya ng Aklat Kasaysayan ng Palawan.

Ang aktibidad ay pinangunahan din ni Gob. Socrates ang ‘Unveiling of Development Plans for the Restored Governor’s Residence bilang Museo Palaweño at ang paglunsad ng libro na History of Palawan.

Pinangunahan ni Gov. Victorino Dennis M. Socrates ang dalawang makasaysayang aktibidad sa Palawan. Ito ay ang pagpapasinaya ng isinaayos na Old governor's Residence at ang paglulunsad ng Aklat Kasaysayan ng Palawan noong Agosto 23, 2023. (Mga larawan mula sa PIO-Palawan)

Ang Governor’s Residence ang nagsilbing tirahan ng pamilya ng mga naging gobernador ng lalawigan ng Palawan, at isa sa mga tumira dito si Gov. Socrates mula 1968 hanggang 1986 kung saan ang kanyang amang si Salvador ‘Badong’ P. Socrates ang noo’y gobernador ng lalawigan.

Sa naging mensahe ng gobernador ay ibinahagi niya na maaaring ilan lamang sila ng kanyang kapatid na si Puerto Princesa City Vice Mayor Maria Nancy Socrates sa mga pinakamatagal na nanirahan at nagkaroon ng maraming naging alaala sa governor’s residence.

Tuloy-tuloy naman ang pagsasaayos ng iba pang pasilidad sa paligid ng Old Governor’s Residence na isinasagawa ng Provincial Engineering Office.

Inaasahan naman na magiging isa itong pook pasyalan kapag nakumpleto na ang lahat ng pasilidad dahil kasama ito sa Historical Tourism Bubble na ipatutupad ng Provincial at City Tourism Office. (OCJ/PIA Mimaropa-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch