No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Vape o e – cigarette maaaring magdulot ng TB at ibang sakit, paalala ng doktor

BAGUIO CITY (PIA) - - Ang paggamit ng vape o e -cigarette ay walang pagkaka-iba sa paninigarilyo, pagdating sa masamang epekto na dulot nito sa kalusugan.


Ito ang pa-alala ni Dr. Beverly Anne Dominguez, Tuberculosis Coordinator ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) sa isang Kapihan media forum na pinangunahan ng Kagawaran ng Kausugan (DOH) sa kanilang tanggapan nitong Martes (Ika -22 ng Agosto).


Ayon kay Dominguez ang vaping, tulad din ng paninigarilyo ay “risk factor” sa pagkakaroon ng TB o Tuberculosis at iba pang mga sakit tulad ng COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Diseases dahil nakahihina ito ng resistensya na siyang dahilan para maging “Immuno-compromised” ang isang tao, bata man o matanda.

Nilinaw ni Dr. Beverly Anne Dominguez na ang paggamit ng vape ay hindi nangangahulugan na naka-iwas sa masamang epekto ng paninigarilyo ang isang tao dahil parehas lamang o kaya ay mas masama pa ang maidudulot nito sa katawan dahil sa mga kemikal na ginagamit dito. (CCD/PIA CAR)

“Sa vape, definitely, makakuha din sila ng sakit dahil sa vaping, walang pagkakaiba sa paninigarilyo. Madami ding chemical na component ang vape at dahil sa mga chemical na ito, nasisira din iyung mga component or cell ng baga”, paliwanag ni Dominguez.


Nagbabala din si Dominguez sa masamang dulot ng usok ng vape o para sa mga tinatawag na “second – hand smoker” lalo na sa mga sanggol, maliliit na bata at sa may  sakit.


Si Dominguez ay na-imbita ng DOH – CAR sa Kapihan media forum para sa pag-promote ng National Tuberculosis Day na ipinagdidiwang kada ika – 19 ng Agosto at para sa obserbasyon ng National Lung Month.

Ayon kay Dominguez, base sa mga pumapasok na kaso sa BGHMC patuloy na dumarami ang nagkakasakit ng TB s at iba pang sakit sa baga, maging bata man o matanda.

Sa taong 2022, nakapagtala ang BGHMC ng 58 na kaso ng drug susceptible TB at 24 na kaso ng drug resistant TB – ito iyong di na nagreresponde sa pangkaraniwang gamut sa TB.


Para naman sa taong ito  nakapagtala na ang BGHMC ng  45 kaso ng drug susceptible TB at  20 kaso ng drug resistant TB.


“Pa-alala lang po na ang TB ay nagagamot. May mga available na gamot na pwede nating ma-access anywhere, sa mga Rural Health Units, sa mga hospital available sila. Kaya kapag may ubo, paglalagnat sa hapon, pangangayayat, magkunsulta po sa pinakamalapit na ospital o RHU at doon pwede tayong ma-diagnose kung may TB tayo o wala. So, it is time for us. Let us stop TB now!”, pagbibigay diin ni Dominguez. (CCD/PIA CAR)

BGHMC Public Health Unit Head Dr. Leamor Fangonilo nagbibigay panayam ukol sa Universal Health Care Navigation and Referral System kaugnay sa pagdiriwang ng National Hospital Week. (CCD/PIA CAR)

About the Author

Carlito Dar

Writer

CAR

Information Officer II at PIA Cordillera

Feedback / Comment

Get in touch