No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Penlight parade, tampok sa pagbubukas ng ika-123 anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Camarines Norte

DAET, Camarines Norte, Setyembre 5 (PIA) – Tampok ang penlight parade sa pagbubukas ng ika-123 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil sa Camarines Norte na ginanap sa kapitolyo kahapon, Setyembre 4.

Pinangunahan ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno nina Gobernador Ricarte R. Padilla at Bise Gobernador Joseph V. Ascutia at ng Civil Service Commission (CSC).

Nilahukan ito ng mga sangay ng pamahalaang lokal at pambansang ahensiya kasama ang mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan at mga pamantasan at kolehiyong pang-estado na saklaw ng lalawigan.

Sinabi ni  Padilla sa lahat ng manggagawa ng pamahalaan, na mahalin ang kanilang trabaho dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magsilbi sa kanyang bayan at ipakita ang maayos at matapat na paglilingkod.

Ayon kay Gobernador Ricarte R. Padilla, sa pagdiriwang ng Serbisyo Sibil at bilang mga lingkod bayani, tayo ay nagsasakripisyo para paglingkuran ang ating mga kapwa mamamayan at ito rin ang pagkakataon na tayong lahat ay dapat na magtulong-tulong at magkaisa. (PIAV/Camarines Norte)

Aniya, ito ang pagkakataon na tayong lahat ay dapat na magtulong-tulong at magkaisa para sa ating paglilingkod sa bayan sa probinsiya ng Camarines Norte.

Nagpasalamat naman Atty. Alicia P. Salinas, acting director II ng CSC Camarines Norte sa lahat na dumalo at nakiisa sa pagdiriwang ng Serbisyo sibil.

Una rito bilang pagbubukas ng buwanang pagdiriwang, isinagawa sa tapat ng kapitolyo ang pagtataas ng bandila at municipal color ng bawat bayan kahapon.

Iprenisenta si Jeah Pauline Jayne Sayno, empleyado ng pamahalaang panlalawigan na kalahok sa gagawing Bb. Lingkod Bayani sa lungsod ng Legazpi.

Magkakaroon ng tagisan ng talino ng ibat-ibang kawani sa mga polisiya hango sa Omnibus Rules on Appointments and Other Human Resource Actions (ORA-OHRA) para sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaang panlalawigan at mga ahensiya sa Camarines Norte sa Setyembre 6 sa Audio Visual Room (AVR) ng kapitolyo.

Bubuksan rin ang inter-agency sportsfest sa Setyembre 12 na gaganapin sa Agro-Sports Center dito.

Tatlong araw na One-Stop-Shop ang isasagawa na pangungunahan ng Camarines Norte Council of Human Resource Management Practitioners (CNCHRMP) na magbibigay ng ibat-ibang serbisyo sa publiko mula Setyembre 13 hanggang15.

Ang naturang mga gawain ay alinsunod sa Atas Tagapagpaganap Blg. 064 s. 2023 na inilabas ni Gobernador Padilla na inaatasang makiisa, sumuporta, makilahok at tumulong para sa matagumpay na selebrasyon ng ika-123 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil.

Tema ngayong taon ang “Transforming public service in the next decade: Honing agile and future-ready servant-heroes.” (RBM/ROV-PIAV/Camarines Norte)


About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch