Ginagabayan din sa naturang gawain ang mga miyembro hinggil sa mga hakbang o mga kinakailangang gawin upang higit na maging matagumpay sa hinaharap ang kanilang mga napiling kabuhayan.
Ang tagumpay ng RAEB ay nakasalalay sa personal na panayam ng mga kawani ng DA-PRDP Project Support Office sa mga lider ng asosasyon, gayundin, sa mga miyembro at iba pang mga stakeholders na tumutulong sa samahan.
Samantala, matatandaan na ang naturang calamansi processing at marketing enterprise ay nagkakahalaga ng P13.7M. Ginamit ang naturang pondo sa konstruksyon ng processing facility, pagbili ng mga kagamitan, at delivery van. Nagmula ang 60% ng pondo mula sa World Bank, samantala 20% naman sa Kagawaran; at 20% din ang nagmula naman sa Lokal na Pamahalaan.
Sinimulan ng MARCCO ang operasyon sa naturang subproject noong 2020 kung saan nagpoprodyus ang mga ito ng mga calamansi at dalandan ready-to-drink juices na ipinagbibili sa loob at labas ng probinsya. (JJGS/PIA MIMAROPA - Oriental Mindoro)
Larawan sa pinakataas na bahagi mula sa DA-PRDP Page