No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA, kaisa sa pagdiriwang ng Health, Safety and Sanitation Month

Nagpaalala sa publiko, panatilihing malusog, malinis at ligtas ang komunidad

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Kaisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),Tuwing sa pagdiriwang ng Health, Safety, and Sanitation Month ngayon Setyembre sa bisa ng Proclamation No. 115-A, s. 1966.

Paalala ng MMDA sa publiko na mahalagang maging kabahagi ang bawat mamamayan sa pagpapanatili ng isang malusog, malinis at ligtas na komunidad na malayo sa mga sakit.

Payo ng MMDA na magagawa ito sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran at palaging paghuhugas ng kamay.

Mahalaga din ang pag-sanitize ng mga bagay na madalas nahahawakan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at ng iba’t ibang sakit.

Sinabi pa ng ahensiya na responsibilidad ng bawa't isa  ang kani-kanilang  kalusugan at kaligtasan kaya nararapat lamang na sumunod sa mga patakaran at health protocols upang maiwasan ang mga bagay na magdudulot ng masama sa kalusugan. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch