No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 96 tonelada ng basura, na-kolekta sa 4th episode ng ‘Save the Bays Program’

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Umabot sa mahigit 96 na tonelada ng basura ang nakolekta sa 4th episode ng ‘Save the Puerto Princesa Bay’s Program’ ng Pamahalaang Panlungsod noong Setyembre 9.

Ayon kay Mayor Lucilo R. Bayron, malaking kabawasan ito sa mga basurang tumambak sa dalampasigan ng lungsod partikular sa Brgy. Bagong Sikat kung saan isinagawa ang nasabing programa.

Base sa datos ng Oplan Linis Program at Solid Waste Management umaabot na sa kabuuang 212.66 tons ng iba’t-ibang klase ng basura ang nakolekta sa apat na episode ng programa kung saan 4.1 tonelada ang nakolekta sa Brgy. Mandaragat, 53.1 tons sa Brgy. Bagong Silang, 59.2 tons sa Brgy. Pagkakaisa at 96.26 tons sa Brgy. Bagong Sikat.

Hinakot naman ng mga truck ng Solid Waste Management Office ang mga basura upang maidala sa Puerto Princesa City Landfill para sa tamang disposisyon ng mga ito.

Nakolekta ang mga basurang ito sa pamamagitan ng Coastal Clean-up at Scoop Basura Competition.

Naging espesyal na panauhin naman ng programa si Ms. Earth Philippines 2023 Yllana Marie Aduana.

Patuloy namang isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod sa iba pang mga barangay ang programang ito upang tuluyang mailigtas sa polyusyon ang mga baybayin ng lungsod. (OCJ/PIA MIMAROPA - Palawan)

Hinakot nng mga trak ng Solid Waste Program ng pamahalaang panlungsod ang mga basurang nakolekta sa 4th episode ng Save the Puerto Princesa Bays Program upang dahil sa Puerto Princesa City Landfill para sa tamang disposisyon ng mga ito. (Larawan mula sa CIO-Puerto Princesa)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch