No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga proyekto sa 2022 BDP sa OccMdo, makukumpleto na

Ibinabahagi ni Engineer Kate Romero ng DILG Occidental Mindoro, ang estado ng mga proyekto sa probinsya na nasa ilalim mg 2022 Support to Barangay Development Program (SBDP). Larawan sa itaas ay mula sa DILG OccMDo. (PIA OccMdo)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Inaasahang makukumpleto ngayong taon ang iba’t ibang proyekto sa probinsya sa ilalim ng 2022 Support to Barangay Development Program (SBDP) ng pamahalaan, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Occidental Mindoro.

Iniulat ni Engr. Kate Romero ng DILG sa nakaraang pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), na 12 sa kabuuang 16 na proyektong pinondohan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay tapos na, habang ang apat ay kasalukuyan pang ginagawa.

Ang mga barangay na mapalad na napagkalooban ng proyekto ay ang Brgy. Poblacion at Sta. Maria sa bayan ng Abra de Ilog, Brgy. Tanyag sa Calintaan, Brgy. Gapasan at Paclolo sa Magsaysay, Brgy. Manoot at Limlim sa Rizal, Brgy. Monte Claro at Naibuan sa San Jose at Brgy. Batong-Buhay, Pag-asa at San Agustin sa Sablayan. Bawat isang benepisyaryo ng barangay ay tumanggap ng P4 milyon para sa mga proyektong kinabibilangan ng walong farm-to-market road, dalawang school building, dalawang water and sanitation system at apat na rural electrification.

Sa paliwanag ni Romero ay sinabi nitong layunin ng SBDP na iangat ang kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa malalayong lugar partikular ang mga naapektuhan ng insurhensya. Dagdag pa nito, mahalaga ang nasabing programa dahil naipatatayo ng Barangay ang mga proyektong hindi nito kayang pondohan subalit natukoy na kabilang sa kanilang pangunahing pangangailangan. Naniniwala ang pamahalaan na sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kabuhayan ng SDBP beneficiaries, muling magtitiwala ang mga ito sa gobyerno at bibitiw sa pagsuporta sa mga Communist Terrorist Group. (VND/PIA Mimaropa - Occidental Mindoro)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch