Publications

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino

  • Published on December 22, 2022
  • |

Speech by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino

Maraming salamat Secretary Anton Lagdameo; lahat ng, hindi lamang ang mga Kalihim, kung hindi lahat ng ating mga katulong at partner sa DSWD, kung hindi sa kanila ay hindi nabuo itong ating pagbigay ng kaunting... [applause]


At alam niyo po, masasabi ko na rin itong nakaraan na siguro anim na buwan eh busyng-busy itong mga ito dahil ang daming dumaan dito sa Pilipinas. May bagyo, nagka-lindol pa tayo sa Abra. Kaya’t talagang siguro 24/7 masasabi natin, isa na rito sa mga agency sa gobyerno na 24/7 talaga dahil hindi talaga... [applause] Hindi natutulog ‘yung bagyo, hindi nagbabakasyon ‘yung lindol at ‘yung flooding ay hindi nangingilala ng holiday.


Kaya’t kahit papaano laging nandiyan ‘yang mga ‘yan. Kaya’t maraming salamat sa inyong --- hindi lamang sa para sa ngayong event na ito kung hindi sa lahat ng inyong ginawa at napakabuti dahil maraming-marami kayong natulungan. Marami talaga ang... Kung wala tayong naibigay mula sa DSWD, mula sa pamahalaan ay talagang naghirap nang husto at ginutom nang husto kaya’t pagka celebrate ninyo ng Pasko na ito ay alalahanin ninyo ang inyong mga natulungan at ang inyong mga magagandang ginawa para kahit papaano, ‘yung mga nasalanta, ‘yung mga naging biktima sa mga disaster ay inyong natulungan.      


Sa ating mga beneficiary, Merry Christmas. [crowd: Merry Christmas] [applause] Alam niyo po ay lagi kong sinasabing paulit-ulit, eh ‘ka ko ay ang Pasko, parang ‘yung Pilipino akala natin tayo nag-imbento ng Pasko kung mag-celebrate tayo eh. 


Kaya kailangan naman, lahat sinasabi ko, kahit papaano, kahit na naghihirap tayo ngayon, kahit mayroon pa rin pandemya nang konti, ‘yung ekonomiya ay dahan-dahan pa lang bumabalik at kahit papaano ay nakakaraos pa rin tayo, ngunit hindi mangyayari ‘yun kung hindi po tayo magtulungan.


Ito ‘yung aking sinasabi dati pa na lahat --- dahil sa nakaraan, dahil sa mga pangyayari ay talaga naman tayong mga Pilipino ay may pinagdaanan, ngunit naisagot natin, naharap natin lahat ng hamon na dumating dahil nandiyan ‘yung buhay ng Pilipino at tayo naman ay matibay, tayo naman ay matapang.


Ngunit, hindi natin magagawa ito kung ‘di tayo nagtutulungan, ‘di tayo nag-iisa. Ngayon sabi ko nga, ‘yung Pasko, lagi kong sinasabi para sa mga bata talaga ‘yan. Dahil siyempre lahat ginagawa natin para sila’y magsaya. Eh papaano naman, sabi ko itong mga, aking mga, ibang mga kababayan, eh papaano magsasaya ‘yung bata kung hindi kahit papaano mag-celebrate naman ‘yung mga pamilya. 


So gumawa kami ng kaunting event, ng ganito para naman, kahit naman --- para masabi natin sana naman ay lahat ng Pilipino makaramdam ng Christmas spirit, makaramdam ng Pasko at... [applause] At kahit papaano, ay makikita natin na ang kinabukasan ay magiging mas maliwanag kaysa pinagdaanan natin.


Itong aming kaunting tulong sa inyo, hindi lang po ngayong Pasko. Alam niyo po, asahan po ninyo kayo ay ang laging nasa isip namin. Ito, itong mga DSWD dito, araw-araw ‘yan, 24/7 iniisip nila kung papaano namin kayong tutulungan, kung papaano pa ang aming pwedeng gawin para nga eh kahit papaano, kahit nakalampas na ‘yung Pasko, ‘yung New Year, eh patuloy pa rin ang aming tulong sa inyo. [applause]


Kaya’t ngunit sa ngayon, ano ba ngayon? Today is Thursday the 21st? Correct, 21? Nakalimutan ko na ‘yung date. Hindi ko na naalala ‘yung date. Kung saan-saan na lang ako dinadala ng mga security ko, doon na lang ako pupunta, hindi ko na alam ‘yung date. 21 na ngayon. [Crowd: 22] 22? Ang bilis ng panahon. 22 na pala. Okay tamang-tama, ‘di talagang Pasko na.            


So 22 na ngayon at malapit na ang Pasko. ‘Yan na muna, mag-enjoy, mag-ano muna tayo, maghanap tayo ng konting panahon para magsaya, para kasama ang ating mga pamilya. Aanyayahan ko rin pala kayo binuksan namin ang Palasyo, ang Malacañang para ‘yung mga nag-aantay mag-Simbang Gabi pwede mag-standby muna doon sa amin dahil... [cheers and applause] So nakabukas ‘yun mula alas-siyete ng gabi, hanggang mga 4:30 ‘pag Simbang Gabi na. So dalhin ninyo doon, basta’t makita naman ninyo ‘yung Palasyo. ‘Yung sinindihan namin na malaking Christmas Tree, andun. ‘Yung mga bata, I’m sure masisiyahan at may konting pakain. Kaya’t...


Anyway, welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na. [applause]


Anyway, itong sa lahat na ito ay sana naman, kahit --- kagaya ng aking nasabi, kahit dumadaan tayo sa hirap, marami pang hamon tayong haharapin, kahit sandali lang, mag-celebrate naman tayo ng isang Merry, Merry Christmas and a Happy New Year. [applause]


--- END ---      

Watch here: Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino

Location: Open Amphitheater, Rizal Park, Manila

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch