Dios ti agngina apo, Vice Governor. Naimbag nga aldaw yo amin apo.
Masyado kayong masaya parang hindi kayo nalindol ah. Malakas ba talaga? Malakas ‘yung lindol? Paano na ‘yung mga bahay ninyo? Hindi na pwede ‘yung iba?
Hindi bale, kaya ako nandito para tingnan kung ano ‘yung pangangailangan. At kasama ko rito ang ating mga iba’t-ibang Cabinet secretary: Cabinet Secretary ng DSWD, andito si Secretary Erwin Tulfo; Secretary ng DILG, si Secretary Benhur Abalos; our acting Secretary sa DND is Secretary Boy Faustino. At sino pa ba?
And of course, sa legislature kasama ko na ang ating Speaker at representative galing sa Senado, si Senator Imee Marcos. Nandito kaming lahat. [applause]
Well, kaya kami nandito para inspeksyonin at inikot namin — linipad ko ‘yung — linipad ko by helicopter para makita kung ano ‘yung mga naging damage.
Nagpa-report kami sa mga iba’t ibang departamento, para makita, para mabuksan ang ating mga kalsada, mabalik na ang kuryente. Meron na tayong telepono.
At bukod pa doon ay ‘yung mga nasa evacuation center, tiniyak natin, tinitiyak natin ni Secretary Tulfo na lahat ng pangangailangan ninyo habang kayo ay nandito pa sa evacuation center ay meron kayong maibigay — mga pagkain, mga kung ano man ang mga kailangan pa ninyo.
‘Yun ang mga — ‘yun ang aming tinitiyak, ‘yun ang aming pinagaabalahan na makasiguro tayo na… Eh natamaan na nga kayo ng lindol, hindi na kayo dagdagan pa ang inyong kahirapan.
So maraming, maraming salamat. Thank you all very much. Maraming salamat at sa… Para akong nagkakampanya pa rin. [laughter]
Dito sa Abra masarap mag-kampanya, napakaganda ng resulta. Maraming salamat sa… [applause]
Maraming salamat sa tulong ninyo. Maraming salamat sa suporta ninyo. Ngayon ako naman ang tutulong sa inyo at magsusuporta sa inyo. [applause]
Thank you very much. Naimbag nga aldaw. Dios t agngina apo. [applause]
PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.
Bangued Plaza, Bangued, Abra | 28 July 2022