No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog Feature: Si Flordeliza, ang huwarang ina

Si Flordeliza, ang huwarang ina

May anak po akong PWD na kasama ko sa bahay at ako din po ang sumusporta sa pangangailan niya”. 

Ito ang kuwento ni Nanay Floredliza nang madatnan siya ng isa sa Project Development Officers ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sustainable Livelihood Program habang inilalako ang kaniyang mga paninda sa Brgy. Bulakalakan sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro. Sa kabila ng kaniyang edad na 74, hindi iniinda ni Nanay Flordeliza ang pag-ikot sa mga kalapit na barangay sa gitna ng tirik na araw upang makabenta ng mga kurtina at punda. Mula pa kasi noon, ito na ang kanyang hanapbuhay at dito niya nairaraos ang kanilang mga gastusin at iba pang pangangailangan,  lalo na at siya ay isa ring solo parent.

Hindi nakakalakad at may diprensya ang kaliwang paa ng 31 anyos na anak ni Nanay Floredeliza dahil simula pagkapanganak nito ay hindi na talaga nakakonekta ang buto nya sa paa at buto sa may singit. Masakit para sa kaniya na ang kundisyon ng kaniyang anak, lalo na’t naapektuhan nito ang kaniyang paglaki at pakikihalubilo sa ibang tao. Ganunpaman ay hindi tumigil si Nanay Flordeliza na iparamdam sa kaniyang anak ang kumpletong pagmamahal ng isang ina.

Sa pagtama ng pandemya at deklarasyon ng malawakang community quarantine sa bansa, tuloy pa din si Nanay sa kaniyang pagsusumikap. Sa katunayan, isa siya sa mga  nakatanggap ng dagdag puhunan na nagkakahalaga ng P15,000 para sa kaniyang proyektong pananahi. 

Ito ay sa mula sa isa sa mga Recovery Response ng DSWD SLP na Livelihood Assistance Grants na naglalayong makapagbigay ng gabay upang masimulan muli ang mga hanapbuhay na naapektuhan ng COVID-19 Pandemic.

Sa kasalukuyan, 146 na indibidwal na ang tumanggap ng LAG na may kabuuang halaga na P2.190 milyon sa bayan ng Gloria. Bukod dito, binibigyan din ng oryentasyon at ibang pagsasanay ang mga benepisyaryo sa upang malinang ang kanilang kakayahan at magamit ng maayos ang tulong pinansyal na kanilang tinanggap mula sa pamahalaan. Sila ay dumadalo sa mga financial trainings, GAD Orientation at iba pang trainings na kaugnay sa kanilang mga proyekto. Ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng DSWD Mimaropa sa iba’t ibang ahensya upang maisakatuparan nito ang layuning maiangat ang estado ng pamumuhay ng bawat Pilipinong nangangailangan.

Pinatunayan ni Nanay Flordeliza na kailanman ay hindi natatapos ang tungkuling ng isang ina sa kaniyang anak, anuman ang edad o kalagayan nito. Mahirap man ang buhay, pero walang makakatumbas sa bawat sandali na kapiling niya ang kaniyang anak sa bawat hamon ng buhay. Sa kaniyang pananahi ng kanyang mga paninda, ang kanyang anak naman ang tumutulong sa kaniya sa pagbili ng mga tela na kinakailangan sa paggawa ng mga punda at kurtina.



Sa edad 74 taon at solo parent, nagsusumikap pa rin si Nanay Flordeliza para sa kanila ng kanyang anak na PWD. Siya ay benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD.

“Makikita po talaga kay nanay yung pagpupursigi niya na matustusan ang pangangailangan nila at mas nakakatuwa po sa kanya may savings na din sya.”  saad ni Ms. May Ann Magarso, PDO na nakatalaga para sa mga benepisyaryo ng Gloria. Dagdag pa ni Ms. Magarso, nang matanggap ni Nanay Floredliza ang kanyang LAG ay agad nya itong inenderso sa isang SLP Association na may puwesto sa tabi ng kalsada upang makatulong sa pagpapadami ng benta nito.

Ang mga tulad ni Nanay Flordeliza na isang malaking inspirasyon sa bawat isa, ang dahilan kung kaya’t patuloy ang SLP sa  layunin  nito na makapagbigay ng produktibong kabuhayan at trabaho upang tuluyang malutas ang problema sa kahirapan ng bansa. (DSWD FO Mimaropa)

About the Author

Victoria Mendoza

Asst. Regional Head

Region 4B

Asst. Regional Head

Feedback / Comment

Get in touch