No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagsasanay sa Solar Lamp Assembly, Organic Farming, hatid ng PRLEC OccMdo

Pagsasanay sa Solar Lamp Assembly, Organic Farming, hatid ng PRLEC OccMdo

Bilang tugon sa panawagang Whole-of-Nation approach ng pamahalaan laban sa insurhensya, nagsagawa ang Poverty- Reduction, Livelihood and Employment Cluster o PR-LEC ng mga pagsasanay sa identified barangays o mga pamayanang benepisyaryo ng Barangay Development Program (BDP) sa lalawigan. (76th IB, PA)

Bilang tugon sa panawagang Whole-of-Nation approach ng pamahalaan laban sa insurhensya, nagsagawa ang Poverty- Reduction, Livelihood and Employment Cluster o PR-LEC ng mga pagsasanay sa identified barangays o mga pamayanang benepisyaryo ng Barangay Development Program (BDP) sa lalawigan.

Ang PRLEC ay isa sa mga cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na pinangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kasama ang iba’t ibang ahensya at pribadong sektor upang makapaghatid ng livelihood projects sa kanayunan at maiangat ang kanilang kabuhayan.  

Sa Occ Mdo, isa sa pangunahing programa ng PRLEC ang Solar Lamp Assembly at Organic Farming. Ito, ayon kay TESDA OIC Provincial Director Rosalina Reyes sa nagdaang mga panayam, ay malaking tulong lalo na sa mga pamayanan ng mga katutubong pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay at wala ding ilaw sa gabi dahil hindi pa abot ng linya ng kuryente ang kanilang lugar.

Sinabi ni Maria Belen Pantaleon, PRLEC Focal Person mula sa TESDA, na unang isinagawa ang mga kaparehong pagsasanay sa Magsaysay at San Jose kung kaya’t tukoy na ng ahensya ang magandang dulot ng kanilang programa sa mga liblib na barangay (Brgy.).

“Kilala rin ang proyektong ito bilang Light for Peace", ani Pantaleon, na ang ibig sabihin ay Learning Interventions to GIDAS and Highly-vulnerable Tribes for Peace, Empowerment in the Armed-conflict Communities and Environs.   

Kabilang sa mga barangay na huling nagsagawa ng pagsasanay ang Brgy Udalo sa Abra de Ilog, kung saan may kabuuang 67 indibidwal ang dumalo - 42 sa solar lamp assembly; at 25 sa organic farming. Ang mga partisipante ay kombinasyon ng Former Rebels (FRs) at mga katutubo. Bawat isa ay tumanggap din ng allowance na P1,960 at training materials. 

“Bukod sa pagsasanay, ang mga ginamit nila sa solar lamp assembly ay ibinigay na rin sa kanila,” saad ni Voltaire Valdez, focal person ng Provincial Task Force (PTF) ELCAC. Naging katuwang din aniya ang PTF-ELCAC at ang pamahalaang panlalawigan partikular sa koordinasyon sa mga Lokal na Pamahalaan gayundin sa pagbibigay ng pagkain habang sumasailalim sa pagsasanay ang mga benepisyaryo. Ayon pa kay Valdez, ang mga kahalintulad na programa ay magpapatuloy hanggang makamit ng mga pamayanan ang kaunlaran.

Siyam na barangay sa lalawigan ang benepisyaryo ng BDP at ang mga ito’y tatanggap ng iba’t ibang programa mula pamahalaan, kabilang na nga ang mga proyekto ng PRLEC. (VND/PIA MIMAROPA)


About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch