No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga pulis at estudyante, nagkawang-gawa sa mga senior citizens

Mga pulis at estudyante, nagkawang-gawa sa mga senior citizens

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Sinorpresa ng Philippine National Police (PNP) Outreach Program na kinabibilangan ng First Police Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) Mimaropa, Calapan City Police Station (CPS) at mga estudyante ng Criminology sa Mindoro State University, ang pagsasagawa ng feeding at gift giving program sa 20 lolo at lola na inaalagaan sa Aruga Kapatid Foundation, Inc. sa Brgy. Managpi sa lungsod na ito kamakailan.

Pinapakain ng isang pulis ang mga lolo at lola sa isinagawang PNP Outreach Program kamakailan sa Aruga Kapatid Foundation kasama ang mga estudyante ng Mindoro State University (MinSU). Larawan kuha ng 1st PMFC)

Nag-ambagan ang nasabing grupo para makalikom ng dalawang kabang bigas at isang kahon ng noodles. Bukod dito ay namigay din ng 20 bags para sa bawat isa na naglalaman ng biskwit, toothpaste, sabon na panlaba, shampoo, asukal, bulak, candy, suka, mantika, isang kahon na facemask, clorox at iba pa.

Pinamunuan nina PMFC Force Commander, PLtCol Ryan Cabauatan, RMFB officer PLt Jessa Buyayo at PLt Jhoefel Duliaga ng Calapan CPS ang naturang aktibidad at pagpapakain ng tanghalian at pagkatapos ay nag handog sila ng mga kanta, sayaw, tula at hinaranahan ng mga awitin noong kapanahunan nila.


Naghandog ng sayaw at mga awitin ang mga kabataang pulis na siyang kinagiliwan ng mga matatanda at nagpasaya sa kanila.. (Larawan kuha ng 1st PMFC)

Nagpahayag ng pasasalamat ang tagapangasiwa at nangangalaga ng mga matatanda na si Popoy Vergara

“Ako at ang aking mga kasama dito sa foundation ay lubos na nagpapasalamat sa kapulisan at mga estudyante sa maikling panahon na inyong ibinigay at dahil dito ay lubos ang kasiyahang kanilang nadarama", ayon kay Vergara. (DN/PIA-OrMin)

Isang estudyante ng Criminology ng MinSU (kaliwa) ang masayang nagbabalot ng mga sabon, toothpaste, bulak at iba pa na ipamimigay sa 20 lolo at lola habang (kanan) ipinagkakaloob ni PLtCol Ryan Cabauatan sa nangangasiwa ng Aruga Foundation na si Popoy Vergara ang mga kahon ng facemask upang maging ligtas sa banta ng COVID-19 ang mga inaalagaang matatanda na nasabing institusyon. (Larawan kuha ng 1st PMFC)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch