No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Dengue Awareness Month ngayong Hunyo

(Mga larawan mula sa PTV-4)


Bagaman ang dengue ay itinuturing ng Department of Health (DOH) bilang isang ”all-year round disease” kung saan karaniwang tumataas ang bilang ng mga kaso, partikular na sa mga kabataan, sa panahon ng tag-ulan.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), aabot sa 400 milyong tao ang nahahawahan ng dengue.

Humigit-kumulang 100 milyon naman ang nagkakasakit dahil sa impeksiyon, at 40,000 ang namamatay sa dengue bawat taon.

Kaugnay nito, idineklara ang buwan ng Hunyo bilang Dengue Awareness Month sa Pilipinas para magbigay sa publiko ng kamalayan sa mga hakbang upang makaiwas sa naturang sakit, alinsunod sa Proclamation No. 1204 noong Mayo 21, 1998.

Samantala, narito ang ilang mga hakbang upang makaiwas sa banta ng dengue sa pamilya at sa sariling kalusugan

Paalaala ng mga awtoridad, "ingatan ang kalusugan ng sarili at pamilya!"

Alamin ang mga lugar na maaaring pagmulan ng lamok, gumamit ng mga mosquito repellent, magpakonsulta, at magsagawa ng fogging sa mga mosquito hotspot. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch