"Sa isang maaraw na umaga malapit sa pampang, may isang pawikan na naghahanda nang mangitlog. Dahan-dahan itong gumapang papunta sa pampang kung saan makakapaghukay siya nang malamim para pangitlugan.
Dali-dali siyang humukay hanggang sa maaabot ng kanyang mga palikpik.
Pagkatapos ng kanyang paghuhukay ay sinimulan niya nang mamugad at dahan-dahang inilabas ang kanyang pinakaiingatang mga supling sa loob ng kani-kanilang mga egg shell.
Tatlong beses siyang umire na nagresulta naman sa dalawang-daang itlog.
Agad na tinabunan ng pawikan ang kanyang mga itlog upang maprotektahan ang mga ito laban sa mga potensiyal na panganib habang siya ay babalik na sa dagat upang mamahinga.
Pagkatapos nito ay iiwanan na ng pawikan ang lanyang mga itlog. Maaaring hindi na sila magkita pang muli.
Samantala, habang sila ay nasa loob ng kanilang egg shell ay agad nang nanganganib ang mga maliliit na pawikan.
Banta ng ibang hayop tulad ng aso, bayawak at mga tao tulad ng mangangaso, at iba pang iligalista ay maaaring makadiskubre sa kanilang kinaroroonan at kunin ang mga ito.
Subalit, kapag nagtagumpay na nakumpleto ang kanilang siklo ay handa na silang lumabas sa kani-kanilang shell sa loob ng anim na linggo hanggang dalawang buwan.