“Tutumbasan namin (mga mangingisda) sa abot ng aming makakaya ang regalong ito upang maipakita namin ang aming pasasalamat sa naibigay sa amin na hanap-buhay ng gobyerno,” dagdag niya.
Samantala, ayon kay BFAR Ilocos regional director Rosario Segundina Gaerlan, ang sasakyang pangisda ay hindi lamang tutulong sa kabuhayan ng mga mangingisda kundi pati na rin sa seguridad ng pagkain alinsunod sa programang Capacitating Municipal Fisherfolks upang makamit ang layunin na magkaroon ng abot-kaya at sapat mga produktong isda.
“Sana ay gagamitin nila ito ng maayos at sa tamang paraan. Sana ay magamit ito upang mas mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan,” dagdag ni Gaerlan.
Aniya, ang mga miyembro ng grupo ng nasabing benepisyaryo ay sinanay din ng BFAR para sa pagpapatakbo ng binigay na Bangka.
Dagdag niya na tutulungan din ng BFAR ang mga mangingisda upang mas maging organisado ang kanilang grupo.
Nakatakda din na makatanggap ng fishing vessel ang mga grupo ng mga mangingisda sa lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Pangasinan. Ito ay kasama sa 36 pa na fishing vessel projects para sa mga fisherfolks sa buong bansa na nakatakdang ipamahagi ng BFAR para sa taong ito.
Kabilang rin sa ipamamahagi ng BFAR ang apat na ring nets, anim na bag nets, at 27 handline fishing boats sa mga grupo ng mga mangingisda bago magtapos ang taon. (JCR/MTJAB/EMSA/PIA Pangasinan)