No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Lake Pisan sa Kabacan, hatid ay tulong at saya sa mga residente at lokal na turista

Malaking tulong ang hatid ng Lake Pisan sa Purok Tagumpay, Barangay Pisan sa bayan ng Kabacan, lalawigan ng Coabato matapos itong muling buksan sa mga turista noong nakaraang taon.

Ang agri-tourism site ay hindi lamang naghahatid saya sa mga namamasyal sa lawa kundi maging sa mga residente sa mismong lugar. Ang lawa na dinivelop sa tulong ng Department of Agriculture ang pangunahing kuhanan ng tubig ng mga magsasaka ng palay at maging ng mga may ari ng fishpond sa barangay.

Ayon kay Lydia Garcia Tugade, ina ng may-ari ng pasyalan, dati ay walang masyadong pumupunta sa kanilang lugar dahil walang magandang kalsada at medyo bulubundukin. Ngunit nung mabuksan na ang lawa para sa mga turista, naging masigla at masaya ang komunidad dahil maraming mga turista ang bumibisita. 

Nabatid na sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Kabacan at maging ng Department of Tourism ay naayos at nasemento ang daan papunta sa nasabing tourist destination.

Para naman kay Cristopher Credo, lokal na turistang bumisita sa lawa, ang pasyalan ay magandang lugar para sa mga gustong magrelax at mag-enjoy kasama ang barkada.

Maliban sa pamamangka, maaari ding mamingwit nang libre sa Lake Pisan.

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch