
Layunin ng NSED ay ihanda ang bawat Pilipino sa mga hindi inaasahang panganib tulad ng Lindol. Ang pagkilala sa mga potensyal na panganib at pagpaplano ng maaga ay daan upang maging ligtas ang bawat isa at mabawasan ang malubhang pinsala na dala ng Lindol.
Kaya sa darating na ika-10 ng Nobyembre, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Sabay sabay tayong mag duck, cover and hold, dahil bida ang handa!