
SAFE SPACES PARA SA KABABAIHAN!
Anumang uri ng pananakit o harassment mapa-pisikal man, emosyonal, o sikolohikal gayundin ang pagkakait sa mga pangunahing karapatan ng kababaihan ay maituturing na karahasan.
Kung ikaw ay nakararanas o may kakilala na dumaranas nito, i-report kaagad sa pinakamalapit na #VAWDesk sa inyong lugar!
Sama-sama nating isulong ang ligtas na kapaligiran para sa mga kababaihan!