Infographics

Ang VAWC ay isang publikong krimen

  • Published on December 11, 2022
  • |

Ang VAWC ay isang publikong krimen

Ang Violence Against Women and Children (VAWC) ay isang publikong krimen.

Ayon sa Philippine Commission on Women, 2 sa 5 babae ang hindi kailanman humingi ng tulong ukol sa kanilang pinagdaraanan. Isa sa natukoy na dahilan nito ay mas pinipiling itanggi ng biktima ang nangyaring abuso dahil sa matinding pagmamahal o takot sa kanyang asawa o kasintahan.

Mahalagang maisumbong ang mga kaso ng VAWC dahil sinisira nito ang pundasyon ng pamilya at nilalabag ang karapatang pantao ng mga babae. Maaari rin itong magdulot ng panghabang-buhay na pasakit sa pag-iisip, pangangatawan, at personalidad ng mga biktima.

I-report ang kaso ng pang-aabuso!

Kung sinuman ang makasaksi ng pang-aabuso ay maaaring mag-report sa awtoridad o magsampa ng reklamo sa ngalan ng biktima lalo na kung siya ay walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch