No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: GECS-MOVE magagamit na ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa Caraga Region

LUNGSOD NG BUTUAN (PIA) -- Hindi na bago sa mga Caraganon na madalas itong madaanan ng bagyo kada taon. Pinagtibay ito ng mga karanasan kung saan mas lumawak pa kanilang paghahanda sa paglipas ng panahon. Kaya malaking bagay rin ang pagdating sa rehiyon ng Government Emergency Communications System – Mobile Operations Vehicle For Eme

rgency (GECS-MOVE) Project sa pamamahala ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa pamamagitan ng GECS-MOVE, mas madaling malaman at makita ang tunay na sitwasyon ng apektadong komunidad tuwing may bagyo o sakuna dahil sa high-tech na communication system nito, atmagiging madali ang pagbibigay ng gobyerno ng nararapat na aksyon at tulong sa lugar.

Binigyang-diin ni DICT Undersecretary Alan Silor, ang kahalagahan ng komunikasyon at pagkakaroon ng matibay na telecommunications infrastructure sa tulong ng GECS-MOVE. 

Para kay Office of Civil Defense (OCD)-Caraga regional director at chair ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Liza Mazo, isa itong katuparan sa matagal nang inaasam at hangarin ng RDRRMC na magkaroon ng consolidated communication system para mas maging makabuluhan ang mga ginagawang hakbang at disaster response ng ibat-ibang ahensiya.

Inaasahang makapagbibigay pa rin ng video at image data and mga responders sa ground zero areas sa tulong ng GECS-MOVE Hub. Ang MOVE Motorbike naman ay agad na magagamit para mapuntahan ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng sakuna. 

Sa proyektong ito, kaagapay ng DICT ang World Food Programme (WFP), National Telecommunications Commission (NTC), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at iba pang kinauukulang ahensiya. (JPG/PIA-Caraga)

About the Author

Jennifer Gaitano

Writer

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch