No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PhilSys Step 2 Registration inilunsad na sa Romblon

PhilSys Step 2 Registration inilunsad na sa Romblon

ODIONGAN, Romblon, Hunyo 25 (PIA) — Nagsimula na ang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration sa opisina ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa bayan ng Odiongan at sa Romblon, Romblon kamakailan.

Ayon kay Engr. Johnny Solis, OIC-Provincial Statistics Officer, ang Step 2 registration ay ang pagkuha ng fingerprint at iris data gayun rin ang pagkuha ng front-facing photographs sa mga gusto magparehistro. Sinabi ni Solis na handa umanong tumanggap ang kanilang opisina ng hanggang 100 katao kada-araw.

Sa paglulunsad ng Philsys Step 2 Registration, ang mga barangay officials ng bayan ng Odiongan kasama ang ilang Local Civil Registrars sa probinsya ang kauna-unahang nakuhaan ng data.

Nagsimula na ang Philippine Identification System (PhilSys) Step 2 Registration sa opisina ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa bayan ng Odiongan at sa Romblon, Romblon noong Lunes. (Larawan mula sa PSA Romblon)

Target rin ng PSA na makuhaan ng fingerprint at iris data gayun rin ang aabot sa 10,000 na mga residente ng Odiongan na nakuhaan na nila ng demographic information sa ginawa nilang pilot registration sa iba’t ibang barangay noong mga nakaraang buwan.

Para makapagparehistro, sinabi ni Solis na kailangang makipag-ugnayan muna sa kanilang opisina sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline o di kaya sa kanilang Facebook page upang mabigyan ng schedule ng pagpunta. Bukas ang registration desk ng PSA sa Romblon mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon tuwing Lunes hanggang Sabado. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch