ang nagsisilbing demo farm ng City Agriculture Office para sa natural na pagsasaka at farm tourism projects.
Ayon naman sa pamunuan ng Gintong Butil Agri Farm, ito ay patunay lamang na kayang tumubo ang ganitong uri ng tanim sa mga mababang lugar tulad ng Lungsod ng Puerto Princesa gamit ang tamang teknolohiya.
Ang Beetroot ay isang lamang-ugat tulad ng radish at carrot ngunit ito ay karaniwang itinatanim sa mga lugar na malalamig,tulad ng mga bansa sa Amerika at Europa.
Sa Pilipinas, ito ay karaniwang itinatanim sa Rehiyon ng Cordillera, probinsiya ng Bukidnon at iba pang may malalamig na klima, ngunit limitado lamang ang taniman ng mga ito kumpara sa ibang sinasakang tanim.
Mayaman sa iba't-ibang uri ng bitamina, mineral at anti-oxidants ang beetroot. Maliban sa beetroot, mayroon ding tanim na dill, parsley, coriander at iba pa ang makikita sa Gintong Butil farm.
Sa mga nagnanais na matuto ng pagtatanim ng beetroot at iba pang pananim ay pinapayuhan ng City Agriculture Office na makipag-ugnayan na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan o tumawag sa numerong 717-8020. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)