No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 29,054 indibidwal sa Zambales, nabakunahan na laban sa COVID-19

IBA, Zambales, (PIA) -- May 29,054 na indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Zambales.

Sa loob ng nasabing bilang, 10,441 ang nakakumpleto na ng ikalawang dose.

Inilahad ni Provincial Health Office Information Officer Gretelyn Enriquez na kabilang sa mga nabakunahan sa mga nasa A1 priority group o mga healthcare worker kung saan 5,893 indibidwal ang kumpleto sa dalawang doses habang 7,541 ang nakapagpaturok na ng unang dose.

May 29,054 na indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Zambales. (San Marcelino PIO File Photo)

Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa sub-category A1.8 na kinabibilangan ng mga Overseas Filipino Worker at mga seaman kung saan may 2 na ang nakakumpleto ng kanilang dalawang dose habang 102 indibidwal na ang nakatanggap ng unang dose.

Patuloy naman sa pagdami ang mga senior citizen o nasa A2 priority group na nakapagsimula nang makapagpaturok ng unang dose na nasa 11,813 kung saan 3,621 ang nakakumpleto na ng ikalawang dose.

Para sa A3 priority group o mga person with comorbidities, 925 na ang tapos sa dalawang doses habang 9,598 ang bakunahan na ng unang dose. (CLJD/Reia G. Pabelonia-PIA 3)

About the Author

Carlo Lorenzo Datu

Assistant Regional Head

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch