No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Ilang kabataan sa Odiongan, nakatanggap ng tablet mula sa Project Sagip Kabataan

Ilang kabataan sa Odiongan, nakatanggap ng tablet mula sa Project Sagip Kabataan

Nakatanggap ang ilang kabataan sa bayan ng Odiongan ng mga tablet mula sa Opisina ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Odiongan kamakailan. (Larawan mula kay SK Kaila Yap)

ODIONGAN, Romblon, Hunyo 29 (PIA) -- Nakatanggap ang ilang kabataan sa bayan ng Odiongan ng mga tablet mula sa Opisina ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Odiongan kamakailan.

Ayon kay SK Federation president Kaila Yap, ang mga tablet ay handog mula sa opisina ni Sen. Kiko Pangilinan bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

Ngayong karamihan sa mga kabataan ay kailangan ng gadget upang makapag-aral, naglunsad ng programang Project Sagip Kabataan ang SK Odiongan upang matulungan ang mga mahihirap sa kanila.

Sinabi pa ni Yap na patuloy parin silang naghahanap ng mga tao na makakatulong sa mga kabataan ng bayan.

Inaasahang may susunod pa na batch na mga kabataan ang makakatanggap rin ng gadget mula sa grupo. (PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch