No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Pondo sa Covid-19 vaccine refrigerator, testing center ng Puerto Princesa, aprubado

Pondo sa Covid-19 vaccine refrigerator, testing center ng Puerto Princesa, aprubado

Ang naganap na regular na sesyon ng Sangguniang Panglunsod ng Puerto Princesa noong Hunyo 28.(Kuhang larawan ni Michael Escote, PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Inaprubahan ng sangguniang panglunsod ng Puerto Princesa sa kanilang naganap na regular na sesyon noong Hunyo 28  ang pondo ng dalawa  sa  apat na ‘Approved Supplemental  Investment Program No. 2 for Fiscal Year 2021’  na hiniling ng executive department.

Ito ay ang pagbili ng Vaccine Refrigerator/Frezer, Cold chain transport cooler and ancillary equipment na nagkakahalaga ng mahigit P3.3 milyon, at ang pagsasaayos ng badminton court sa Balayong Park na gagawing pansamantalang testing center na nagkakahalaga ng mahigit P10.7 milyon.

Ang vaccine refrigerator ay bibilhin para sa Pfizer vaccine may negative 60-80% degress centigrade  habang magsasagawa naman  ng “retrofitting” sa badminton court para maging akma na maging testing center ito at makatipid ang pamahalaang lunsod lalo na't magtatapos na rin ang kontrata  sa isang hotel na ginawang testing center kung saan P250K ang binabayad kada buwan.

Ayon kay City Councilor Victor Oliveros, Chairman ng Committee on Approriations, ang mga ito lang kasi ang nakita ng konseho na kailangang mapondohan agad para mapalakas ang Covid-19 response ng pamahalaang lokal.

Aniya, ang pondong gagamitin  ay kukunin  sa inaprubahang ‘reallocation’ dahil mayroong   ‘savings’  sa mga proyekto noong nakalipas na mga taon.

Samantala, naibalik naman sa komite ang planong pagtatayo ng PNP Building sa Bgy Napsan na may halagang P22.5 milyon at pagsasagawa ng feasibility study at detailed  engineering design para sa main and sattelite fishport na nagkakahalaga ng P33 milyon dahil hindi naman ito kailangang-kailan ngayong may COVID-19 pandemic at maaari namang aniyang maisama sa mga programang popondohan sa susunod na taon bukod pa sa nais pang maliwanagan ng ilang  miyembro ng konseho kung paano gagawin ang mga programang ito.(MCE/PIA Mimaropa)









About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch