No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Hand tractors para sa mga katutubo ipinagkaloob ng DA-4K

Hand tractors para sa mga katutubo ipinagkaloob ng DA-4K

Sumasailalim sa pagsasanay sa pagtatanim ng palay sa kabundukan ang ilang katutubong benepisyaryo ng DA-4K program (LGU Magsaysay)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Limang traktora na may kasamang trailer ang ipinamahagi kamakailan ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K), isang programa ng ahensya na layong mapaunlad ang pamumuhay ng mga katutubo sa lalawigan.

Tumanggap ng hand tractor, na nagkakahalaga ng P149,500 bawat isa, ang mga samahan ng katutubo sa San Jose, Sta Cruz, at Calintaan, gayundin ang mga Gubatnon ng Sitio Malutoc bayan ng Magsaysay, na sumailalim din sa pagsasanay sa pagsasaka sa kabundukan.

Ayon kay Emmanuel Ochavez, Project Development Officer ng programan 4K, tumutulong sila sa mga indigenous peoples (IPs) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng farm implements, commodities at livestock. Maliban sa hand tractors na kabilang sa farm implements, magbibigay rin ang 4K ng mais at upland rice bilang mga commodities, gayundin ng mga kambing at kalabaw.

“Tatanggap ng tig-lilimang kalabaw ang ilang piling samahan ng mga katutubo mula Rizal, Calintaan, Mamburao at Sablayan,” ani Ochavez.

Paliwanag ni Ochaves, ang 4K Program ay nagsimula noong 2020 at matatapos sa 2023. Sa loob aniya ng panahon ito, nais nilang makitang umangat ang kabuhayan ng kanilang mga benepisyaryo. Dahil nagsisimula pa lamang sila, patuloy pa ang pagtukoy kung aling mga samahan ng mga katutubo ang kanilang tutulungan at ang mga angkop na proyekto para sa mga ito. “Ngayong darating na 2022, nakaplano na ang ilang programa na paglalaanan ng abot sa P31 milyon,” saad pa ni Ochavez.

Bagamat mahalaga sa isang programa na may pondo, binigyang linaw ng Project Development Officer na kasinghalaga rin ang matibay na samahan ng mga katutubo. Aniya, hindi uunlad ang isang programa kung hindi magtutulungan ang mga IPs para sa ikatatagumpay ng iginawad sa kanilang proyekto. (VND/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch