No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Aklat, food packs ipinamahagi sa Tipas Elementary School

Aklat, food packs ipinamahagi sa Tipas Elementary School

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Mula Manila hanggang sa isang liblib na barangay ng mga katutubong Mangyan, sa tribo ng Alangan ay dumating ang isang pribadong grupo sa Tipas Elementary School sa Brgy. Magtibay Naujan upang maghatid ng mga babasahin sa paaralan, food packs at iba pa.

Inihatid ng personal ang mga nasabing bagay at gamit ni Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, isang non-government organization (NGO) na siyang nagiikot sa buong bansa upang bigyan ng mga kakulangang gamit ang ilang paaralan na malalayo sa kabihasnan lalo na sa mga tribo ng katutubo.


Ipinagkaloob ni Pitmaster Foundation Executive Director, Atty. Caroline Cruz (nakatayo sa gitna) kay Tipas Elementary School Head Teacher, Resurecion Taywan at sa isang batang mag-aaral ang mga aklat at iba pang babasahin at gamit ng sila'y bumisita sa nasabing paaralan habang nakamasid si NCIP Provincial Officer, Reyante Luna (naka berdeng damit). (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Sinabi ni Atty. Cruz kay Tipas Elementary School Head Teacher, Resurecion Taywan at sa mga bata, “kami ay natutuwa at narating namin ang inyong lugar para bigyan kayo ng mga flashcards,  mga aklat mula grade one hanggang grade six, diksiyonaryo, face mask, kahon ng noodles, toothpaste, sabon na pampaligo at salamin na pambasa.”

Tinanggap ng pitong katutubo at isang tagalog na guro ang mga gamit na siyang mapapakinabangan ng 130 mag-aaral na batang katutubo mula kinder hanggang ika-anim na baytang gayundin ang kanilang mga magulang.

Kasama din si National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Provincial Officer, Reynante Luna na siyang tumulong na maihatid ang mga gamit at para ipaalam ang ibang mga proyektong nakalaan sa mga katutubo sa lalawigan.


Samantala, nakatakdang magbigay ng isang bagong ambulansiya ang nasabing NGO sa pamahalaang panlalawigan upang ipagkaloob sa mga tribong nasa malalayong lugar na siyang makakatulong upang mabilis na madala sa mga pampublikong ospital ang mga katutubong may malalang karamdaman. (DPCN/PIA - Oriental Mindoro)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch