Ipinakita nina QC Mayor Joy Belmonte, DOLE Secretary Silvestre Bello III, OWWA Executive Director Hans Leo Cacdac, at QC Public Employment Service Office head Rogelio Reyes ang kasunduan hinggil sa pagtatatag ng OFW Help Desk sa Lungsod Quezon.
LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Nilagdaan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, QC Public Employment Service Office head Rogelio Reyes, at Overseas Workers Welfare Administration Executive Director Hans Leo Cacdac ang isang kasunduan sa pagtatatag ng OFW Help Desk sa lungsod.
Sa pamamagitan ng help desk, kung maaaring sumangguni ang mga Overseas Filipino Workers sa Lungsod Quezon tungkol sa mga serbisyo at benepisyo na maaari nilang matanggap.
Kasabay nito, iginawad din ang tulong pinansyal sa OFW NCR Federation Inc.
Ayon kay Belmonte, pinahahalagahan ng lungsod ang kapakanan ng OFWs.
Noong 2016 isinulong ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni dating Vice Mayor Belmonte ang paglunsad ng QC Migrants Resource Center kung saan mabibigyan ng serbisyo ang mga OFW sa lungsod at kanilang mga pamilya. (QC PAISD/PIA-NCR)