No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Number coding sa NCR, suspendido pa rin

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido pa rin ang pagpapatupad ng Number Coding Scheme sa Metro Manila ngayong buwan ng Hulyo.

Nananatili pa ring suspendido ang number coding scheme na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority habang ipinapairal ang general community quarantine (GCQ) with some restrictions,” pahayag ng MMDA sa kanilang opisyal na Facebook page.

Dagdag pa ng MMDA, ang patuloy na suspensyon ay dahil na rin sa hindi pa normal na kalagayan ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Samantala, patuloy naman ang ahensya sa pagbibigay paalala sa publiko na magsuot ng face mask, face shield, pag-obserba sa physical distancing, paghuhugas ng kamay, at iba pang public health protocols upang mapangalagaan ang sarili, pamilya at ang iyong komunidad laban sa COVID-19.

Ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) “with some restrictions” hanggang July 15, 2021. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch