Aniya, layunin ng programa na mabigyan ng libre at tamang kaalaman ang mga magsasaka tungkol sa mga paraan ng pagpaparami ng produksyon at kita ng kanilang mga sakahan.
Sa Farm Business School Program, kinakailangang sumailalim sa 25 learning sessions ang mga benepisyaryong magsasaka at dito ay kanilang pag-aaralan ang mga paksa gaya ng tamang teknolohiya at kagamitan sa pagsasaka, produksyon ng mga ani, kasalukuyang 'market trends', mga impormasyon ukol sa pagpapalago ng isang negosyo tulad ng costing, packaging, pamamahala ng kita, labor at iba pa.
"Nagpapasalamat po kami sa DAR sapagkat napakalaking tulong po nito sa amin. Ang lahat po ng mga programang ibinibigay sa amin ng ating pamahalaan ay talaga pong niyayakap namin ng buong puso," pahayag ni Sande Madoro, pangulo ng Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Duyay (SNMD).
May tinatayang 2,000 square meters ang sukat ng farm demo site sa nasabing barangay na magsisilbing linangan ng kaalamanan nang may 30 magsasaka na pawang kasapi ng SNMD. (RAMJR/PIA MIMAROPA)