Matapos ang programa ay lumagda ang mga kinatawan ng pamahalaan sa isang Pledge of Commitment nila sa Project SAGIP.
Ang naturang barangay ay kabilang sa prayoridad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na dapat pagtuunan ng pansin sa ilalim ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) na sumusuporta sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (Institutionalizing the Whole of Nation Approach in attaining inclusive and Sustainable Peace).
Dumalo din sa nasabing aktibidad si Mayor Joselito Malabanan, mga kinatawan mula sa tanggapan ni Gov. Bonz Dolor, Department of Science and Technology (DOST), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Labor and Employment (DOLE), Cooperative Development Authority (CDA) at Provincial Agricultural Office (PAgO) na nangakong susuporta sa nasabing programa ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa ikauunlad ng mamamayan. (DPCN/PIA-Oriental Mindoro)
Binabasa ni Victoria Mayor Joselito Malabanan (gitna) ang nilalaman ng 'Pledge of Commitment ng Project SAGIP saka sinundan ng paglagda ng mga nakiisang ahensiya ng pamahalaan habang nakamasid si TESDA RD Manuel Wong (kaliwa) at PD Joel Pilotin (kanan). (kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)