No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: San Marcelino, namahagi ng multivitamins sa mga bata

Namahagi ang pamahalaang bayan ng San Marcelino sa Zambales ng multivitamins sa kabuuang 768 bata edad 0-59 buwang gulang. (San Marcelino LGU)

IBA, Zambales (PIA) -- Namahagi ang pamahalaang bayan ng San Marcelino sa Zambales ng multivitamins sa kabuuang 768 bata edad 0-59 buwang gulang.

Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo na may temang “Malnutrisyon patuloy na labanan, first 1,000 days tutukan!”

Ayon kay Mayor Elvis Ragadio Soria, mahalaga ang unang isang libong araw na buhay ng mga sanggol sa magiging paglaki ng mga batang Marcelineans na malakas at matatag.

Aniya, ang pagdiriwang ng Nutrition Month ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang na isinasagawa taun-taon kaya ngayong may pandemya ay mas lalo itong binibigyang halaga upang mapanatiling malusog at masigla ang pangangatawan nga mga anak at pamilya.

Bukod sa mga multivitamins, nagbigay rin ang pamahalaang bayan ng tig-iisang height measuring tool sa bawat barangay health center.

Namahagi din ng food packs sa mga batang underweight sa barangay Sta. Fe, Rabanes, Buhawen, Aglao at San Rafael. (CLJD/Reia G. Pabelonia-PIA 3)

About the Author

Carlo Lorenzo Datu

Assistant Regional Head

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch