No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: City ENRO nagbabala laban sa lobster fry catchers, traders

City ENRO, nagbabala laban sa lobster fry catchers,traders

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA)--Nagbabala ang City Environment and Natural Resources Office ng  Puerto Princesa City sa mga nanghuhuli at nagbebenta ng lobster fry at fingerlings kahit ipinagbabawal.

Sa press statement ng  City ENRO na ipinadala sa PIA-Palawan noong Hulyo 7, sinabi ng kanilang bantay dagat section na mayroong itinayong mga istruktura na panghuli ng mga lobster fry o semilya ng banagan  ang mga mangingisda  sa dalamapasigan ng syudad.

Sa report na natanggap ni City ENRO Atty. Carlo Gomez, partikular na tinukoy ni  Bantay Dagat section head  Luisito Garcia ang Purok Puting Buhangin, sa Bgy Mangingisda na ang mga nagmamay-ari aniya ay  ilang indibidwal na nakatira sa naturang barangay at sa katabing barangay ng Luzviminda. 

Maliban sa Barangay Mangingisda, mayroon ring mga nanghuhuli sa dalampasigan ng barangay Inagawan, Inagawan-Sub, Kamuning, Concepcion at Bacungan gamit ang tinatawag na  ‘muhon’  na ikinakabit sa kahoy at balsa nang walang kaukulang permiso.

Ang isa sa mga lobster fry species na kinukuha at ibinibenta ng mga mangingisda/(larawan mula isang residente ng Puerto Princesa na ayaw nang magpabanggit ng pangalan)

Ang mga semilya ay  binebenta ng mga mangingisda sa mga lokal na negosyante sa murang halaga  na ibinibenta naman nito  sa mas mataas na presyo sa mga dayuhang mangangalakal at iniluluwas ito sa ibang bansa.

Nanindigan ang City ENRO na batay sa inilabas na  Fisheries Administrative Order (FAO) No. 265 series of 2020 ng Department of Agriculture (DA) na pinirmahan nina DA Secretary William D. Dar at  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Commodore Eduardo B. Gongona,  ipinagbabawal ang paghuli,pagbyahe,pagluluwas,pagmamay-ari,pangangalakal at pagbenta ng  gravid spiny lobster, at  juvenile spiny lobsters mula sa ilang na hindi pa naaabot ang  maturity Carapace Length (CL) na 5.2 cm hanggang 10.7 cm, depende sa uri ng banagan.  

Multang P100K hanggang P5 milyon at  pagkakulong ng 8-10 taon ang kakaharaping parusa ng mga lalabag.  (MCE/PIA Mimaropa)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch