No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: IP community sa Bgy. Caruray, San Vicente, pinatayuan ng mga palikuran

IP community sa Bgy. Caruray, San Vicente, pinatayuan ng mga palikuran

Ang palikuran na itinatayo sa IP community sa Sitio Candamia, Bgy. Caruray, San Vicente, Palawan. (Larawan mula sa LGu-San Vicente)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Patuloy na tinutugunan ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng San Vicente ang kakulangan ng mga palikuran, partikular sa mga liblib na lugar na karamihan ay katutubo ang nakatira.

Ngayong linggo inaasahang matatapos ang konstruksiyon ng apat na palikuran na itinayo sa tatlong lugar sa Sitio Candamia sa Barangay Caruray.

Ang mga residente mismo roon ang nagtutulungan upang matapos ang proyekto at nang magkaroon sila ng maayos at disenteng palikuran ayon kay Karen Andonga ng Office of the Municipal Mayor.

Ang proyekto ay naglalayong itaguyod ang kalinisan, kalusugan at proper waste disposal sa 35 kabahayan na mayroon ang naturang sitio.

Sila rin ang naging benepisyaryo rin ng programang pangkabuhayan na chicken layering.

Mula sa Gender and Development (GAD) – Support to IP Activities ang pondo na ginamit para sa pagpapatayo ng mga ito, sabi pa ni Andonga.

Nakatakda namang pormal na ipagkakaloob ang community toilet sa Hulyo 16. (OCJ)


About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch