No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Itapon ng maayos ang ginamit na face mask – MMDA

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na itapon ng maayos ang mga gamit na face mask. 

Ayon sa MMDA, mahalagang itapon ng maayos ang mga nagamit na face mask dahil na rin sa kontaminasyon na maaaring maidulot nito sa kalusugan at kapaligiran.

Ang face mask, ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ay itinuturing na household healthcare waste kaya hindi dapat ito itinatapon sa regular na basurahan.

Mainam na maglaan ng hiwalay na basurahan para rito at iba pang household healthcare waste tulad ng gamit na face shield at gloves nang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo at virus.

Samantala, sa isinasagawang cleanup ng MMDA sa mga pangunahing lansangan, kasama sa mga basurang nakokolekta ay mga face masks na hindi nabubulok.

Payo ng MMDA, mahalaga na ang bawat isa ay sumunod sa wastong paraan ng pagtatapon ng mga ito. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch