Dahil dito, iminungkahi aniya sa DOLE ng Balikatan sa Kaunlaran National Foundation Inc, isang Non-Government Organization (NGO) ang pagkakaroon ng mga community-based livelihood programs na nagresulta naman sa pagkabuo ng programang MISSION RACE (Rebooting Activities through Community Engagement), katuwang ang mga local Public Employment Office (PESO).
"Ang MISSION RACE ay may dalawang layunin: una ang profiling of labor market situation at makapagbigay ng livelihood and training opportunities," ayon pa kay Golifardo.
Para ito ay magawa, ang magiging trabaho at resposibilidad ng bawat HERO-GIP sa mga barangay ay magsagawa ng survey kung sino-sino ang nawalan ng trabaho, at ano-anong mga establisyemento ang nagsara.
Sa pagtatapos naman ng taon, gagawa sila ng mga rekomendasyon kung ano ang mga kailangan gawin ng pamahalaan para matulungan ang komunidad batay sa nakuha nilang datos.
Kabilang rin sa mga dumalo sa oryentasyon ay ang mga barangay officials, mga kinatawan mula sa DOLE Mimaropa, tanggapan ng Punong Lunsod, City PESO at PIA-Palawan. (MCE/Mimaropa)