LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Bumaba ang population growth sa National Capital Region (NCR) noong taong 2020, base sa pinakahuling census ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong weekend.
Ayon sa 2020 Census of Population and Household ng PSA, ang rate ng paglaki ng populasyon sa Metro Manila ay bumaba mula 1.58 sa pagitan ng 2010-2015 hanggang 0.97 porsyento mula 2015 hanggang 2020.
Sinabi ng Commission on Population and Development (POPCOM) na batay sa pag-aaral, karamihan sa mga lungsod, partikular na ang Navotas, ay nakapagtala ng negatibong rate ng paglago ng populasyon na -0.16 porsyento mula sa 0.03 porsyento noong 2015.
"In the previous population count, the municipality of Pateros recorded a negative growth rate of 0.09 but has increased to 0.45 in 2020. Other LGUs with a notable increase were San Juan, Malabon, Pasay, Pateros and Valenzuela. The latter reported an increase of up to 3.03 percent, the highest increase among all LGUs," sinabi ng komisyon.
Itinuro ng hepe ng komisyon sa Metro Manila ang sanhi ng pagbaba na internal migration ng mga Pilipino sa iba pang mga lalawigan dahil sa COVID-19 pandemic na nagsimula noong 2020.
Isinaad din niya ito sa inaasahang tagumpay ng lokal na programa ng family planning.
“Our target for the country is 2.1 total fertility rate or around 2 children per woman during her reproductive years. With this scenario and further promotion of use of modern contraceptives in all barangays, we could see a declining population growth rate in the next few years," ani POPCOM-NCR director Lydio Español.
Ayon sa POPCOM, ang Lungsod Quezon ay siya pa ring pinakamaraming populasyon sa lugar ng Metro Manila na may kabuuang 2,960,048 na mga residente, sinundan ng Lungsod ng Maynila na may 1,846,513 at Caloocan City na may 1,661,584.
Ang pinakahuling bilang ng komisyon sa populasyon ng Pilipinas ay umabot sa 111,150,701 katao. (POPCOM/PIA-NCR)