No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: 105 benepisyaryo sa Caloocan, nabiyayaan ng pabahay

Iniaabot ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang lot award sa isang benepisyaryo ng programang pabahay sa lungsod.

LUNGSOD CALOOCAN. (PIA) -- Nagsagawa ng Lot Awarding at Issuance of Deed of Sale ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa Camarin Phase I at II Project nito

 na ginanap sa Barangay 174 covered court.

Sa isang simpleng programa, pinangunahan ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang pamamahagi lot award sa may 31 benepisyaryo at deed of sale naman para sa 74 benepisyaryo mula sa Barangay 174, 175, 177, at 178.

Ayon kay Malapitan, ang programang ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng City Housing and Resettlement Office at sa pakikipagtulungan ng Presidential Commission for the Urban Poor.

"Nais natin na makatulong sa mga mamamayan ng lungsod nang sa gayon ay magkaroon sila ng sariling tahanan,” pahayag ni Malapitan.

Pinayuhan din ng punong lungsod ang mga benepisyaryo na maging responsable sa paghuhulog at palaging pahalagahan at sinupin ang kanilang natanggap. (PIA-NCR)

About the Author

Nonette Castillo

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch