No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Pag-demolish ng City ENRO-Puerto Princesa sa mga Baklad, sinimulan na

Pag-demolish ng City ENRO-Puerto Princesa sa mga Baklad, sinimulan na

Ang isa sa mga Baklad na demolish ng mga taga- City Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng Puerto Princesa City sa Barangay Inagawan Sub kamakailan. (Larawan mula sa (City ENRO)

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Nagsimula nang magdemolish ng  mga fish cages o baklad na walang kaukulang permit ang City Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng Puerto Princesa City kamakailan.

Sa ipinadalang press statement ng City ENRO sa PIA-Palawan, nakasaad na  pinagbabaklas ng kanilang Enforcement Division-Bantay Dagat Section ang  isang abandonadong baklad sa Barangay Inagawan Sub habang nagboluntaryong gibain ng mga may-ari nito ang tatlong  iba pa. Mayroon ring nakumpiskang 'compressor' sa  tagapangalaga ng isa sa mga baklad, kung saan ang paggamit nito ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

”Delikado yan na maiiwan ang mga kawayan sa gitna ng dagat, peligro talaga sa mga mangingisda,” ayon kay Luisito Garcia, pinuno ng  Bantay Dagat section ng City ENRO.

Ipinaliwanag naman ni  City ENRO Atty. Carlo Gomez na ang  dagat pangisdaan ng siyudad ay dapat magamit ng lahat at hindi ng iilang indibidwal lamang.

Kung wala aniyang baklad, mabibigyan rin ng pagkakataon ang mga dalampasigan ng lungsod at ang natural na kapaligiran para makapagpanibagong-buhay.

Kung hindi aniya makokontrol, maaaring bumaba ang mahuhuling mga isda dahil kabilang sa mga nahuhuli sa baklad ang mga nangingitlog  at maliliit na isda.

Kasama sa naging operasyon ng City ENRO ang mga kaanib ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police -Special Operations Unit-Maritime Group (PNP-SOU-MG).(MCE/PIA Mimaropa)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch