No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Ika-26 taon ng police community relations ipinagdiwang sa Gasan, tree planting isinagawa

GASAN, Marinduque (PIA) -- Bilang panggunita sa buwan ng Ugnayan ng Pamayanan at Pulisya, nagsagawa ng tree planting ang mga tauhan ng Gasan Municipal Police Station (MPS) sa Kawilihan Park, Barangay Uno kamakailan.

Ang pagdiriwang na pinangunahan ni PLT. Erwin P. Guyada, officer-in-charge ng Gasan MPS ay may temang 'Pulisya at Pamayanan, Barangayanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen'.

Sa pagtutulungan ng punong barangay na si Nepthalie R. Eden at sampung opisyales ng barangay, mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), mga senior citizen at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay matagumpay na naisagawa ang naturang programa.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat at pagpupugay sa hanay ng pulisya at komunidad si Mayor Victoria L. Lim.

"Ang hanay ng ating kapulisan ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga barangay upang tuluyang masugpo ang kriminalidad, nang sa gayon ay matiyak ang kaayusan at seguridad ng pamayanan," ani Lim.

Samantala, kahapon ay dumating sa probinsya si Police Major General Rhodel Sermonia, director ng Directorate for Police Community Relations (PCR) ng Philippine National Police para pangunahan ang panunumpa sa tungkulin ng iba't ibang kinatawan ng force multipliers ng PCR. (ENSJR/RAMJR/PIA Mimaropa)

About the Author

Romeo Mataac, Jr.

Writer

Region 4B

Romeo is the information center officer of Philippine Information Agency-Marinduque.

Feedback / Comment

Get in touch