No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Tagalog News: Puerto Princesa, tatanggap na ng mga inbound travelers

Puerto Princesa, tatanggap na ng mga inbound travelers

PUERTO PRINCESA, Palawan, (PIA) -- Tatanggap na ng mga inbound travelers ang Puerto Princesa City simula ngayong araw, Hulyo 16.

Ito ay  matapos na maibaba sa General Community Quarantine o GCQ ang quarantine protocol sa siyudad mula Hulyo 16-31, 2021 dahil sa patuloy na naitatalang pagbaba ng kaso ng COVID-19 .

Ayon kay Atty. Norman Yap, tagapagsalita ng Local Inter-Agency Task Force against Covid-19, ang mga papayagang makapasok sa lungsod ay ang mga Authorized Person Outside Residence o APOR na mula sa pamahalaan at pribado, mga APOR na tatlong araw lang ang itatagal sa siyudad at fully-vaccinated, gayundin ang mga returning residents.

Sasailalim naman sa pitong araw na quarantine ang mga ito kung lalagpas sa tatlong araw ang pananatili sa lungsod.

Inanunsyo ni LIATF spokesperson Atty. Norman Yap sa City Mayors Office virtual presser kagabi na simula Hulyo 16, 2021 ay tatanggap na ang Puerto Princesa City ng mga inbound travelers matapos ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang quarantine status ng syudad. (Screenshot sa CMO virtual presser)

Sinabi pa ni Yap na ang mga government, private APOR at returning residents ay isasailalim sa antigen test pagkatapos ng pitong araw habang ang mga APOR na fully-vaccinated at tatlong araw lang ang ilalagi ay sa loob ng 24 na oras.

Ang gastusin sa quarantine facility ay sasagutin ng mga inbound travelers bagamat maari namang magpa-quarantine ng libre ang mga returning residents sa quarantine facility ng syudad kung may bakante pa pero sasagutin nito ang kaniyang pagkain. Ang bayad sa antigen test ay aakuin ng lokal na pamahalaan maliban  sa mga APOR na tatlong araw lang ang itatagal.

Kailangan rin na kumpletuhin ang mga basic travel requirements tulad ng Valid I.D., S-pass travel coordination permit, staysafe QR code, Negative RT-PCR test sa loob ng 48 oras, Travel Order/Travel Itenerary (para sa APORs),Vaccination Card or ID (para sa mga biyahero na magtatagal sa siyudad ng tatlong araw lamang), at Return Ticket (para pa rin sa mga biyaherong magtatagal ng tatlong araw). Hindi naman papayagang makapasok sa siyudad ang mga magbabakasyon lang. (MCE/PIA Mimaropa)

About the Author

Michael Escote

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch